28

By

Reklamo sa Ombudsman, demolition job! – Andaya

Sharing is caring!

Politika lang daw ang reklamong inihain sa Office of the Ombudsman ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr.

Sa kanyang statement, sinabi ni Andaya na bahagi ito ng demolition job na ginagastusan ng kanyang mga kalaban sa politika.

Layon umano nitong sirain siya dahil sa kanyang intensiyon na tumakbo sa pagka-gobernador ng Camarines Sur.

Ayon kay Andaya, kung ano-anong kasinungalingan ang ipinagkakalat ng kanyang mga katunggali dahil sa hangarin ng mga ito na manatili ang kontrol sa kanilang lalawigan.

“It is an expensive demolition job being waged at all fronts, especially in social media, but with a common thread running through all of them: lies,” sabi ni Andaya.

Inireklamo ang kongresista dahil sa umanoý hindi pagdedeklara ng ilang ari-arian sa kanyang Statement of Assets Liabilities and Net Worth (SALN).

Masama naman ang loob ni Andaya sa grupo nina Greco Belgica ng PACC dahil hindi kinuha ang kanyang panig sa ginawang imbestigasyon.

“Unfortunately, he miserably failed in this one elementary aspect, and opted to chase publicity. This stunt leads me to conclude that he has been a clueless victim of a prank, or a party of an ongoing hatchet job against me,” ani Andaya.

“If Mr. Belgica wants to be impartial and fair, I would suggest that he conducts the same investigation into the SALN of my political opponents,” dagdag ng majority leader.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?