16

By

Reklamo ng Kamara sa 2019 budget kinampihan ni Escudero

Sharing is caring!

Kinatigan ni Senador Chiz Escudero ang pag-alma ng Kamara sa cash-based budget system na gustong ipatupad ng Malacanang sa 2019.

Ayon kay Escudero, may katwiran ang Kamara na maari itong makaapekto sa pagpapagawa ng mga infrastructure project na mismong Malacanang ang nag-aapura batay sa Build, Build, Build program nito.

May mga pangyayari umano na umaantala sa mga proyekto gaya ng kalamidad.

“Yes, there are (concerns), especially the foregone fiscal space which might affect the Administration’s Build, Build, Build program as well as its ability to address both natural (like habagat) and man-made (like hyper-inflation or conflagration) calamities and occurrences,” sabi ni Escudero.

Una rito, sinuspinde ng mga konggresista ang mga public hearing ukol sa panukalang 2019 national budget dahil tutol ang mga konggresista sa cash-based budgeting.

Ikinatwiran na may mga proyekto na hindi nakukuhang tapusin sa loob ng isang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?