97
marawi
Dec 14, 2017 @ 12:11
By

Rehabilitasyon sa Marawi, tuloy-tuloy na – DND

Wala nang magiging problema ang Department of National Defense (DND) sa gagawing rekonstruksiyon at rehabilitasyon sa Marawi City.

Ito ay matapos na aprubahan ng mga mambabatas ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay DND Spokesperson Director Arsenio Andolong, malaki ang maitutulong ng isang taon pang extension ng martial law sa Mindanao para maipagpatuloy ang pagsasaayos sa lungsod ng Marawi.

Isang magandang paraan din aniya ito para tuluyan nang matapos ang panggugulo ng mga terorista.

“With the extension of martial law, we are also confident that we can move forward with unhampered reconstruction and rehabilitation of Marawi City,” sabi ni Andolong.

Bukod dito’y maiiwasan din ang spill over ng mga panggugulo ng mga terorista sa ibang lugar sa bansa.

Matatandaang halos limang buwan na nagkaroon ng giyera sa Marawi sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute ISIS terrorist group. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?