10

By

Rehabilitasyon ng Marawi sa October 17 na

Sharing is caring!

Nakatakda na sa October 17 ang groundbreaking rites para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Ito ay itinakda ng Task Force Bangon Marawi kung saan may pondong inilaan na nasa P15-B bilyon para sa magagastos sa rehabilitasyon ng nasa 250 ektarya ng ground zero na sakop ng 24 barangay.

Ayon kay Task Force Bangon Marawi Secretary Eduard del Rosario, ang nasabing petsa ay itinaon sa eksaktong pagdeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang Marawi sa kamay ng mga terorista.

Sa magaganap na ground breaking, ang unang gagawin ay ang clearing ng mga debris sa ground zero at nakalaan din ang pagpapatayo ng mga kalsada, paaralan, barangay centers, convention center at grand central market.

Dagdag pa ni del Rosario na ang target completion date ng Marawi City Rehabilitation ay itinakda na sa 4th Quarter ng 2021.

Matatandaang lubos na napinsala ang Marawi City dahil sa panggugulo ng ISIS-inspired Maute Terror Group.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?