319

Jun 25, 2018 @ 14:36
By

Rehabilitasyon ng Boracay, nagbubunga na – Palasyo

Magandang indikasyon ang nakitang butanding o whale shark sa karagatan ng isla ng Boracay.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na patunay lamang ito na maganda ang epekto ng ginagawang paglilinis at rehabilitasyon sa isla.

Kung may naakit na butanding sa isla ay indikasyon ito na naibalik na muli ang ganda at kagandahan ng dagat sa Boracay.

Dahil dito pinapurihan ni Roque ang lahat ng mga ahensiyang nagtulong-tulong para malinis at maibalik sa dating ganda ang isla na nasalaula dahil sa kapabayaan ng mga lokal na opisyal at mga negosyanteng nakinabang sa isla.

“That shows that the effort to clean-up Boracay have succeeded. If you are able to attract a whale shark that means we must have pristine waters anew in Boracay. Congratulations to all those involved in the rehabilitation of Boracay,” ani Roque.

Nitong nakaraang linggo ay nakunan ng litrato nang malapitan ng ilang mangingisda ang isang butanding na lumalangoy malapit sa kanilang bangka habang sila ay nangingisda sa karagatan ng Boracay Island. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?