90
boracay11
By

Rehabilitasyon ng Boracay, matatapos pa sa 2019

Isa’t kalahating taon pa ang hihintayin ng mga sabik nang mag-party sa Boracay Island.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, sa Disyembre 2019 pa lubos na matatapos ang rehabilitasyon ng isla.

Inihayag ito sa pagdinig ng Senate committee on finance sa panukalang badyet ng Department of Tourism (DOT) para sa taong 2019 na P3.39 billion.

Ayon sa kalihim, soft opening pa lang ng Boracay sa Oktubre 26.

First phase umano ito ng rehabiltiasyon kung saan inaasahan na nagawa na roon ang mga pangunahing kalsada.

Naka-iskedyul namang matapos ang phase 2 ng rehabilitasyon sa Abril 2019 at sa Disyembre 2019 ang ikatlo at huling yugto ng rehabilitasyon.

Inabisuhan na ng DOT ang mga airlines na bawasan ang flights patungo sa Boracay dahil nilimitahan ng Department of Environment and Natural Resources ang pagpasok doon ng mga turista upang maagapan ang muling pagtindi ng polusyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?