6

By

Rehab ng MRT 3, hindi nakalso – DOTr

Sharing is caring!

TINIYAK ng Department of Transportation na matutuloy ang planong rehabilitasyon sa MRT 3.

Ayon kay Goddes Libiran, communications director ng DOTr, taliwas sa mga naglalabasang ulat walang alok ang Sumitomo Corp., na gagawin nila ang rehabilitasyon ng EDSA railway system sa halagang P7.5 bilyon.

Giit nito wala silang tinanggihan na anumang alok para sa pagsasa-ayos ng MRT3.

Ang alok ay package deal na diumano dahil kasama sa aayusin ay ang lahat ng sistema na may kaugnayan sa operasyon ng MRT, maging ang mga pasilidad at istasyon.

Bago ito, may mga pagbatikos sa DOTr kaugnay sa pagpili na pondohan ang rehabilitasyon ng MRT sa pamamagitan ng official development assistance mula sa Japan.

Ang Sumitomo Corp., ang unang maintenance provider ng MRT 3 at inanunsiyo na ng kagawaran noong nakaraang taon na kukuhanin muli ang serbisyo nito makalipas ang anim na taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?