74

Oct 16, 2017 @ 18:31

Rehab ng Marawi City, dapat umarangkada na – Zubiri, Gatchalian

Kasabay ng pagsaludo sa mga sundalo matapos mapatay sina Isnilon Hapilon at Omar Maute sa Marawi City, iginiit ng ilang  senador na madaliin ang pagbabangon at rehabilitasyon ng lungsod.

Ayon kay Senador Juan Miguel Zubiri, ngayong napuksa ang mga pangunahing lider ng mga terorista, maari nang umarangkada ang pagpapagawa ng mga bagong bahay, eskwelahan, ospital at iba pang pasilidad para sa mga residente ng Marawi City.

Sinuportahan ang pagpapalawig ng martial law sa Marawi City hanggang Disyembre 31.

Makakatulong umano ito para maging mas mabiis ang paglabas ng pondo para sa mga residente ng lungsod.

“At last, with major terrorists eliminated, rehabilitation, resettlement, and development activities can go full blast.” Pahayag ni Zubiri.

“I fully support the continuation of martial law in the Marawi till December 31 in these areas so that human, material & financial resources can be fully utilized and rehabilitation will be achieved at a shorter time, sooner than later,” dagdag ni Zubiri.

Ayon naman kay Senador Sherwin Gatchalian, kapuri puri ang mga sundalo apulis na lumaban sa mga terorista.

Kapag ganap nang natapos lipulin ang mga terorista at naibalik ang peace and order sa syudad, susunod na aniya ang panibagong laban.

Tinukoy na bagong laban ang pagbangon sa mas matatag na Marawi City.

“Once peace and order are restored in the city, the government can finally begin in earnest the next battle: the fight to build Marawi back better than it ever was before.” Ani Gatchalian. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?