72

Nov 18, 2018 @ 15:18
By

Regulasyon sa pagtatrabaho ng mga dayuhan sa PH, dinagdagan ng pangil

Lusot na sa ikalawang pagbasa ng Kamara ang panukalang magpapalakas ng regulasyon sa employment ng mga dayuhan sa Pilipinas.

Inaamyendahan ng House Bill 8368 na pangunahing iniakda ni Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles ang Articles 40, 41 at 42 ng Presidential Decree No. 442, o ang “Labor Code of the Philippines”.

Sa ilalim nito, gagamitin ang Labor Market Test bilang basehan ng pagtukoy sa non-availability ng kuwalipikadong Pilipino para sa trabaho, kung saan kukunin ang dayuhan.

Itinatakda sa panukala na ang mga dayuhang mabibigyan ng permits ay dapat ituro sa mga Pilipinong trainees ang kanilang kasanayan sa loob ng prescribed period.

Tinataasan rin ang parusa sa mga lalabag na dayuhan at kanilang employers kabilang ang multang P50,000 hanggang P100,000 at pagkakulong ng anim na buwan hanggang anim na taon.

Ipade-deport din ang dayuhan pagkatapos pagsilbihan ang sentensya.

Papatawan naman ng P50,000 kada taon ang dayuhang magtatrabaho nang walang valid na employment permit gayundin ang kanyang employer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?