54

Dec 18, 2017 @ 17:46
By

Regulasyon sa online gaming, umusad na sa Kamara

Sinimulan na ng House committee on games and amusements ang pagdinig sa House Bill 5187 o ang ‘Internet Gambling Regulatory Act of 2017’.

Layon ng panukala na iniakda ni Magdalo Rep. Gary Alejano na mabantayan ang online gaming sa paglikha ng regulatory board na bubuo ng mga patakaran at magpapataw ng parusa sa mga paglabag.

Target din ng bill na pagbawalan ang mga menor de edad na makapagsugal sa internet at parusahan ang mga establisyimentong pumapayag na gumamit ng internet gambling account ang mga wala pang 18-anyos.

Iginiit ni Alejano na tungkulin ng estado na protektahan ang mamamayan lalo na ang mga menor de edad mula sa masamang epekto ng pagsusugal.

“At present, there are no laws that regulate internet gambling in the country. With the passage of this bill, we would be able to provide protection to our citizens, specifically our minors, from the harmful effects of gambling,” ayon kay Alejano.

“Additionally, regulating these acts could generate billions in revenue for government projects and services annually,” dagdag pa ng kongresista. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?