235

Jan 1, 2018 @ 15:34
By

Regulasyon sa criminology, hihigpitan

Aprubado na sa Kamara ang substitute bill na naglalayong i-regulate ang Criminology profession sa pamamagitan nang paglikha ng Professional Regulatory Board of Criminologists.

Aamyiendahan ng panukala ang Republic Act 6506, o ang batas na lumikha ng Board of Examiners for Criminologists in the Philippines.

Nakasaad sa bill na kinikilala ng estado ang kahalagahan ng Criminology profession sa national security, public safety, peace and order, at sa nation-building and development.

Dahil dito, kaya dapat umanong mas hasain ang kakayahan ng criminologist base sa Philippine Qualifications Framework sa pamamagitan ng honest and credible licensure examinations.

Sa ilalim ng panukala, ang Professional Regulatory Board of Criminologists, ay bubuuin ng Chairperson at 4 na miyembrong itatalaga ng Pangulo.

Pangangasiwaan nito ang examination, registration at licensure ng criminologists, gayundin ang superbisyon, kontrol at regulasyon sa pagpa-practice ng criminology; pagpapa-unlad sa propesyon sa pamamagitan ng Continuing Professional Program at integration ng lahat ng criminology professional groups. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?