12

By

Regulasyon sa armored vehicles inihirit ng MMDA

Sharing is caring!

HINILING ng MMDA sa Inter-Agency for Traffic (I-ACT) na magkaroon ng regulasyon para sa mga armored vehicles.

Kasunod ito ng pagkamatay ng isang babaeng traffic constable matapos mabundol ng isang rumaragasang armored truck sa EDSA, Quezon City.

Sa sulat ni MMDA General Manager Jojo Garcia kay Transportation Usec. Thomas Orbos, dapat malinawan kung ang armored vehicles ay maikukunsiderang pribado pampublikong sasakyan.

Aniya batid nila na ang armored vehicles ay inuupahan ng mga bangko.

Isa pa sa nais malinawan ni Garcia ay kung may standard specifications sa mga armored vehicles dahil limitado ang nakikita ng nagmamaneho nito.

Itinanong din nito sa sulat kung may standard qualifications ang mga nagmamaneho ng mga armored vehicles.

At kung ano ang papanagutan ng mga driver, operator at bangko kapag nagkaroon ng aksidente.

Magugunita na nagmamando ng daloy ng mga sasakyan sa tapat ng isang bus terminal sa EDSA Northbound ang biktimang si Maricel Gammad nang salpukin ito ng APT armored truck (WHZ 330).

Namatay kagabi si Gammad sa East Avenue Medical Center dahil sa tinamong matinding pinsala sa ulo at katawan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?