44

By

Regularisasyon ibigay sa mga kontraktuwal sa gobyerno – Villanueva

Kulang ang utos ng Department of Budget and Management (DBM) na palawigin ng dalawang taon ang paninilbihan ng mga kontraktwal ngayon sa gobyerno.

Sinabi ni Senador Joel Villanueva, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources, na security of tenure o regularisasyon ang dapat na ibigay sa mga ito.

“We can do more than just give two-year job extension to contractual workers in the government. Let us institutionalize the right to security of tenure of all casual and contractual employees of the government who have long been serving in the public sector,” sabi ni Villanueva.

Nagpaalala ito na isinusulong ng Duterte administration ang regularisasyon at pagpapatigil sa end-of-contract (endo) scheme sa pribadong sektor.

Dapat aniyang mauna sa pagpapatupad nito ang gobyerno.

“How can we expect the private sector to follow suit if the government itself implements labor contractualization?” pahayag ni Villanueva.

Tinukoy nito ang ulat ng Civil Service Commission noong 2017 na sa 2.4 milyong manggagawa sa gobyerno, ang 27 percent o 660,390 ay kontraktwal.

Kahapon inianunsyo ng DBM na extended hanggang Disyembre 2020 ang mga sakop ngayon ng contract of service at job order worker sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?