5

By

Registered voters sa ibang bansa, 1.6M na – Comelec

Sharing is caring!

Umabot na sa all-time high ang bilang ng mga overseas voter na nagpatala para sa 2019 mid-term elections.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), umaabot na sa mahigit 1.6 million na mga Pilipinong botante na nasa ibang bansa ang nagparehistro para makalahok sa eleksyon sa susunod na taon.

Mas mataas ang nasabing bilang kung ikukumpara sa mahigit 1.3 million na nagpatala para sa 2016 Presidential Elections.

Posible pa umanong madagdagan ang nasabing bilang na maaring umabot sa 1.9 million pagsapit ng September 2018.

Naniniwala si COMELEC Commissioner Luie Tito Guia na ang mataas na overseas voter ay resulta ng masigasig na paghimok ng mga myembro ng Foreign Service at COMELEC.

Mahalaga rin umano ang papel na ginampanan ng mga media partner at ng blogger.

Kasabay nito, hinimok ni Guia ang mga Pilipinong nasa ibayong dagat na magparehisto sa pinakamalapit na Philippine Foreign Service Posts hanggang September 30, 2018 para makalahok sa eleksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?