24

Jan 2, 2018 @ 17:54
By

Regional directors, pinaghahanda na ni Bato sa epekto ni ‘Agaton’

Pinaaalerto na ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang kanyang mga regional director at police regional offices upang makapaghanda sa epekto ng bagyong Agaton.

Sa pahayag ni Dela Rosa, sinabi niyang activated na ang bawat disaster contingency plans ng PNP at naka-stand by na rin ang mga PNP units para tumulong sa pagsasagawa ng Disaster Response Operations

Mahigpit din ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa mga lokal na pamahalaan at mga local disaster risk reduction and management council upang tulong-tulong na magsagawa ng rescue operation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?