159
ltfrb
Apr 22, 2018 @ 13:55
By

Regional director ng LTFRB, 3 kawani sibak sa katiwalian

Ipinatanggap ni Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III ang isang Regional Director ng LTFRB at tatlong kawani nito dahil sa isyu ng katiwalian.

Nito lamang nakaraang Biyernes, Abril 20, 2018 ay personal na isinilbi ni Delgra ang kautusan ng kalihim laban kay Bicol Regional Director (RD) Jun Abrazaldo, at nagtalaga ng bagong RD sa katauhan ni Ret. Col. Vladimir Kahulugan.

“We don’t tolerate corruption under this administration. When your top official such as an RD is allegedly involved, what can you expect from the entire office? Madaling makahawa ‘yan,” Delgra.

Noong nakaraang Abril 10, 2018, naglalabas si DOTr Undersecretary for Legal Affairs and Procurement Reinier Paul Yebra ng 90-day preventive suspension order laban kay Atty. Mary Jil Caurel, Hearing Officer IV ng LTFRB Bicol habang nakabinbin ang imbestigasyon sa diumano’y grave misconduct at iba pag administrative offenses.

Si Caurel ay iniimbestigahan ng pag-abuso sa tungkulin dahil umano sa pagtanggap ng salapi kapalit ng mabilis na resolusyon ng application for Certificate of Public Convenience (CPC), sadya at intensiyunal umanong pagpigil sa pagpapalabas ng CPCs at extortion activities kapalit ng pagpapalabas ng mga nakumpiskang mga behikulo.

Kinasuhan din siya sa pag-antala ng pagpapalabas ng franchise applications ng halos dalawang taon. Si Caurel ay pinararatangan din ng hindi pagiging tapat sa tungkulin nang dayain nito

ang entries sa kanyang Serious daily Time Records (DTRs) simula pa noong 2016.

Samantala, pinagpapaliwanag naman ang dalawang tauhan ni Caurel na sina Christine Yan at Erlisa Sedano, na kapwa Administrative Aides nito, dahil sa pagkakasangkot umano ng mga ito sa iregularidad ng opisyal.

Una nang inatasan ni Tugade ang lahat ng kanilang mga tauhan sa mga ahensiya na sinasaklawan ng DOTr na linisin ang kanilang hanay sa mga korap na mga opisyal at empleyado.

“Anay ‘yang mga ‘yan sa isang organisasyon. Ayaw ko niyan, at ayaw ng Presidente niyan. Kung palagay niyo, guilty kayo, umalis na kayo dyan. Kung magmamatigas kayo, talagang magtutuos tayo,” babala pa ni Tugade.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?