5

Feb 15, 2021 @ 10:42
By

Region 7 wala pang kaso ng UK variant

Wala pang kumpirmadong kaso ng pasyenteng nahawa sa UK variant ng COVID-19 sa Central Visayas.

Pagtitiyak ito ng Department of Health Region 7 (DOH-7) matapos madagdagan ng 19 ang bilang ng mga dinapuan ng UK coronavirus variant sa Pilipinas.

“It’s still possible we have the UK variant but [this is] not yet confirmed,” ani DOH-7 spokesperson Dr. Mary Jean Loreche sa mga reporter.

Wika ni Loreche, 60 sa 70 swab samples na pinadala nila para sa genomic sequencing noong Enero ay negatibo sa B.1.1.7 variant.

Ang natitira namang 10 samples ay nananatiling tine-test aniya sa Philippine Genome Center (PGC).

Samantala, nagpadala rin aniya ang DOH-7 ng panibagong 91 samples sa PGC noong Pebrero 12, para rin sa genomic sequencing na makatutukoy kung nasa rehiyon na ang mas nakahahawang variant ng SARS-CoV-2.

Kaya naman may 101 samples na mula Gitnang Visayas na nakabinbin sa PGC.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?