185

By

Regine Velasquez reyna sa ‘It’s Showtime’

Sharing is caring!

Trending sa social media ang pagtanggap ng ‘It’s Showtime’ family kay Asia’s Song Bird Regine Velasquez-Alcasid.

Tuwang-tuwa ang mga fan sa live performance ni Regine sa naturang programa.

Nagtanghal din ang mga host ng show kasama si Regine na kung tawagin nila ay ‘Queen’.

Inabangan din ng lahat ang pagsigaw nito ng “What’s up madlang people!” na ikinasiya ng mga manonood.

Nagbigay ng kaniyang payo si Regine sa TNT Divas.

Sinabi niya sa mga baguhang mang-aawit na patuloy na matuto at ‘wag titigil sa pag-eensayo ng kanilang mga kakayahan sa pag-awit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?