203

Feb 21, 2021 @ 20:20
By

Regine Velasquez nayabangan kay Nick Lachey, bumirit

“Nuknukan ng yabang!” – ganito inilarawan ni Asia’s songbird ang American boy band singer na si Nick Lachey nang interbyuhin sa isang online show noong Huwebes.

Aniya, kabaliktaran naman ito ng kabanda ni Lachey na sina Drew Lachey, Jeff Timmons at Justin Jeffre na “cool” lang.

Inalala kasi nito ang unang beses na nakilala niya ang bandang 98 Degrees noong 1999.

“Siyempre, medyo oriental ang hitsura ng lola mo so nagagandahan sila sa akin, di ba? Lumalandi-landi ng ganoon nang very light,” anang singer.

“Iyong Nick Lachey, ang salbahe!” dagdag pa niya.

Ani Velasquez, magpe-perform sana siya kasama ang banda ngunit hindi niya nagustuhan ang ugali ni Nick kaya napagdesisyunang magpabibo na lang mag-isa.

“Biruin mo umpisa pa lang, nagmamagaling! Baklang ito. Humanda ka sa akin, hindi ka na maririnig,” sambit ng songbird.

“Kinain ko talaga siya. Nainis ako kasi parang, ‘Bakla, nasa country ka namin, ha. Huwag kang umarte-arte diyan,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?