168

By

Regine Velasquez nakapirma na ng kontrata, certified Kapamilya na!

Sharing is caring!

May bago nang tahanan ang tinaguriang ‘Asia’s Songbird’ na si Regine Velasquez.

Sa kanyang contract signing, sinalubong ng red carpet si Regine Velasquez, kasama pa ang mga ABS-CBN executive, para maging opisyal na kasama mga talent ng Kapamilya network.

Salo rin sa contract signing ang kanyang mister na si hitmaker Ogie Alcasid, na naiyak pa ng makita ang misis na naglalakad sa red carpet.

Sa ngayon, magkasama na muli sa iisang network ang mag-asawa, na dating nasa GMA bago lumipat si Alcasid sa TV5, at ngayon ay sa ABS-CBN.

Unang magiging salang ni Velasquez sa bakuran ng Kapamilya ay sa music variety show na ASAP, na posible nang maka-duet ang mga bigating singer na sina Angeline Quinto, Morissette Amon at Sarah Geronimo.

Maaari ring magkita-kita sila ng kanyang mga dating kasama sa nawalang GMA-7 show na ‘SOP’, na sina Jaya, Janno Gibbs, at Lani Misalucha na may kontrata rin sa ABS-CBN.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?