85

By

Regine Velasquez iiwan na ang GMA7

Sharing is caring!

Kinumpirma ng GMA Entertainment executive na lilisanin na ng ‘Asia’s Songbird’ na si Regine Velasquez ang network na kanyang pinagsilbihan ng dalawang dekada.

Sa statement ni Senior Vice President for GMA Entertainment Content Group Lilybeth Rasonable, ibinahagi ang naging plano ni Regine, na samahan ang kanyang asawa na si Ogie Alcasid.

“After two decades, Regine Velasquez-Alcasid has officially said her goodbyes to the Kapuso Network. We understand her decision to join her husband and we wish her well as she pursues other opportunities outside GMA Network.”

Matatandaan na kasama si Velasquez sa lineup ng ASAP sa Sydney, Australia, at nauna na ring namataan sa kauna-unahang ABS-CBN Ball ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?