80

By

Regine umatras sa trip nina Ogie at Michelle Selos ba ang dahilan?

Sharing is caring!

DAHIL sa pagkakasakit ng anak nilang si Nate, hindi na sasama si Regine Velasquez-Alcasid sa mister niyang si Ogie Alcasid sa pagbabalik nito sa Balesin Island para um-attend sa birthday party roon ni Mr. Roberto Ongpin.

Noong una, ang plano sana nila ay mag-Boracay after New Year at hanggang sa Sunday sila roon kasama ang ex-wife niyang si Michelle van Eimeren at mister nito na si Mark Murrow at mga anak nila na sina Leila at Sarah, pero dahil nagustuhan nila ang Christmas vacation nila sa Balesin Island at nag-invite rin sa kanila si Mr. Ongpin sa private villa ng nasabing exclusive for members only luxury island, nagdesisyon sila na babalik na lang doon.

Eh, nagkasakit nga si Nate, kaya kahapon, hindi na sila sumama kina Michelle na bumalik doon at nag-alaga na lang ang mag-asawa sa kanilang anak.

“Pero susunod ako bukas (ngayon). Nauna na lang kanina sina Michelle, kasama rin mga pamangkin ko. Nagpaiwan ako dahil may sakit pa nga si Nate. Si Regine naman, hindi na sasama dahil hindi rin puwedeng sumama si Nate at baka mabinat,” kuwento ni Ogie.

Nakapangako kasi si Ogie kay Mr. Ongpin na kakanta siya sa Saturday sa birthday party nito, kaya pupunta pa rin siya sa Balesin.

‘Yung plano naman nila na mag-Boracay, itutuloy pa rin naman daw nila ni Regine sa birthday ng kanyang misis sa April 22.

Pagkagaling nga pala ng Balesin, magiging abala na sila ni Regine sa promotions ng #paMORE pre-Valentine concert nila sa MOA Arena on February 10. (Jun Lalin)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?