59

Jan 23, 2021 @ 18:31

Regine tumalon sa Choco Mucho

Sanib puwersa na sa Choco Mucho Flying Titans si former Arellano Lady Chief star Regine Arocha.

Napabalitang pumirma ng kontrata si two-time NCAA Finals MVP Arocha nitong Sabado para sa Flying Titans at inaasahang papalo ito sa Premier Volleyball League (PVL) sa Abril 10.

“I can feel kasi na gusto po talaga nila akong kunin para alagaan at palakasin. And I know that I’ll be in a good team sa Choco Mucho,” pahayag ni 23-anyos volleybelle.

Matatandaang isa si Arocha sa nabiting manlalaro ng NCAA Season 95 matapos makansela ang palaro dulot ng pandemya.

Nabatid na pumirma rin ito ng kontrata sa Sta. Lucia Realtors ngunit dahil sa pagsirit pa rin ng COVID-19 ay na-expire lang ang tintahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?