143

Apr 7, 2020 @ 13:18
By

Regine Tolentino nanganak na!

Babae ang kasarian ng ikatlong anak ni Regine Tolentino.

Nitong Linggo, binahagi niya sa publiko ang larawan ni Rosie Rignee, na kanyang sinilang via caesarian section noong Marso 17 ng gabi.

“At a time of uncertainty and anxiety, everyone is looking for a spark of hope, a miracle that will raise our spirits and make everything better,” wika ng dancer-acress sa Instagram, Abril 5.

Binida rin si Rosie sa Instagram ng partner ni Regine na si director-photographer Dondi Narciso.

May dalawang nakatatandang anak si Regine sa dating asawa at aktor na si Lander Vera-Perez. Naghiwalay sila noong 2016 matapos ang 18 taon ng pagsasama.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?