48

Apr 9, 2021 @ 20:19
By

Regine sa PH COVID response: Kanya-kanya, matira matibay?

Nanlumo si Asia’s Songbird Regine Velasquez sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 case sa Pilipinas at namamatay dahil dito.

Tila ba nagkakanya-kanya na at matira matiba na lang ang sitwasyon.

“Bakit parang pinabayaan na lang tayo? Kanya kanya matira matibay ganon na lang ba talaga? People are dying people we know relatives friends! Every single day may nalalagas sa atin. What’s happening?” tweet ng singer, April 9.


Nitong Biyernes naitala ang record-high 401 panibagong nasawi dahil sa COVID-19, na nagpalobo sa nationwide death toll sa 14,520.

Dagdag na 12,225 katao naman ang nagpositibo na nagpaakyat sa 840,554 kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa, 178,351 ay active case o iyong ginagamot pa sa naturang karamdaman.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?