173

Mar 6, 2020 @ 15:49
By

Regine pinayuhan si Matteo tungkol kay Mommy Divine

Binigyan ng payo ni Regine Velasquez si Matteo Guidicelli tungkol sa hindi pagkakaunawaan sa kanyang biyenan na si Mommy Divine.

Kilalang malapit na mga kaibigan ng mag-asawang Matteo at Sarah Geronimo ang celebrity couple ring sina Ogie Alcasid at Regine.

Ani Regine, normal sa isang pamilya na nagkakaroon ng samaan ng loob dahil wala naman aniyang perpekto.

Ang mahalaga aniya ay nagkakaunawaan silang dalawa ni Sarah pero kapag pamilya mo ay pamilya mo at hindi na ito mabubura.

“Ang pamilya mo kasi, pamilya mo, e. Hindi na natin iyon mae-erase. Normal naman sa mga pamilya na nagkakaroon ng sama ng loob. Wala namang perfect. Para kay Matteo, normal lang na minsan may hindi pagkakaintindihan sa in-laws. Normal iyon. Wala namang perfect talaga. Ang importante, silang dalawa. Pag silang dalawa nagkakaintindihan sila, everything else [follows],” pahayag ni Regine sa interview sa kanya sa ABS-CBN noong February 29.

Naniniwala naman ang Asia’s Songbird na darating ang panahon at magkakaayos din sina Sarah, Mommy Divine at Matteo.

Alam naman daw ng lahat na mahal ni Sarah si Mommy Divine kaso ay kailangan na nitong piliin ang makakapagpaligaya sa kanya at nangyayari naman daw ang ganoong bagay na minsan ay kailangang isipin din ang sarili lalo na si Sarah na nasa tamang edad na para magkapamilya.

“Siguro kailangan nilang ipagdasal ‘yung family ni Sarah, for healing ba. Kasi, like I said, nanay mo ‘yun, forever mong nanay ‘yun. At saka knowing Sarah, hindi niya iyon matitiis. Kilala natin lahat, she loves her [mother], grabe. She just needed to choose her own happiness versus her family. And sometimes, nangyayari iyon, na kinailangan din niyang isipin ‘yung sarili niya. Hindi naman sa nagiging selfish siya… She’s old enough, I think. Nasa tamang edad na siya,” dagdag pa ni Regine.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?