135

By

Regine, Lani, Jaya reunion sigaw ng mga fan

Sharing is caring!

Exciting! Nag-host ng reunion ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez para sa dati niyang Sunday noontime va­riety show na SOP sa GMA-7.

Nagkataon na nasa bansa si Lani Misalucha kaya kompleto silang tatlong Diva kasama rin si Jaya. Sayang lang at wala ang ibang SOP host, pero yung mga staff ng show dati ay present.

Halatang namiss nila ang isa’t-isa lalo na si Jaya na Kapamilya na while si Lani naman ay may bagong show ngayon sa Kapuso kasama si Regine.

Maging ang dating GMA executive na si Wilma Galvante ay nakasama rin nila sa dinner reunion. At siyempre, ang Executive Producer na si Perry Lansigan.

Tila hindi lang sila ang naka-miss sa isa’t isa, maging ang mga netizen na nakakita sa reunion nila ay nagre-request na sana raw ay magsama-sama silang muli sa isang show.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?