185

Regine kaya na-starstruck kay Catriona: Nakakatuwa kasi siya

Hindi pala alam ni Regine Velasquez na mayroon siyang viral video kung saan makikitang na-starstruck siya kay 2018 Miss Universe Catriona Gray.

“Di ko alam eh. Bakit? Eh nakakatuwa kasi siya eh. ‘Yung sa Frontrow ba yan? Ahh oo kasi tinitignan ko siya, ang tangkad tapos ang payat payat, ang ganda ganda. Alam mo ‘yun, parang pinapanood ko ‘yung Miss Universe,” saad ni Asia’s Songbird sa panayam sa Philstar.com at ABS-CBN News.

“Nakakatawa ba ko do’n? Eh kasi natutuwa ako du’n sa sinasabi niya. Ang ganda ganda kasi niya at ang ganda niyang magsalita,” dagdag pa niya.

Mapapanood sa viral video, mula sa mga nag-repost na netizen, ang pagka-amaze ni Regine kay Queen Cat habang nagsasalita ang huli sa audience sa Philippine Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?