91

By

Regine hindi nagparetoke ng ilong

Sharing is caring!

Ang taray ng guesting ni Regine Velasquez sa ‘Magandang Buhay’ dahil three-part special ang naging selebrasyon ng kanyang homecoming sa ABS-CBN.

Pinag-usapan nila ang kanyang humble beginnings, at sabi ng Asia’s Songbird, hindi pa rin naging madali ang pagsikat niya kahit pa nanalo na siya sa ‘Bagong Kampeon’ noong 1984.

“Hindi ko ini-expect. Kasi ‘yung kanta ko ‘yung pinakasimple. After ‘Bagong Kampeon,’ hindi pa rin naging madali ang buhay. Kasi nanalo ka nga, pero hindi gaya ngayon na when you win a singing contest, suportado ka ng buong network,” kuwento niya.

Iginapang daw ni Regine at kanyang amang si Mang Gerry ang kanyang karera at inalala pa ang pagko-commute nila papuntang Maynila para lang makapagtrabaho.

“Ang laki ng pangarap ko, eh. ‘Yung tatay ko malaki rin ‘yung pangarap niya for me, kasi nakita niya na pwedeng may mangyari sa anak ko.”

Pero malaking instrumento raw ang kapwa singer niyang si Pops Fernandez na tumulong sa kanyang ma-discover at mapansin ang kanyang talento.

“Kaya ako na-discover ni Ronnie Henares kasi pinag-guest ako ni Pops noong araw sa ‘Penthouse.’ Parang ‘yung concept nila noon is newcomers,” kuwento pa ni Regine.

Doon na nga unti-unting umusbong ang karera ni Regine dahil nabigyan na siya ng proyektong ‘Teen Pan Alley’ at ‘Triple Treat’ na palabas noon sa ABS-CBN.

Nakakatawa din ang Songbird dahil habang lumalabas ang VTR ng mga luma niyang palabas, bigla niyang sinabing ‘It’s the same nose’ na nagdulot ng tawanan sa audience. Meaning hindi retokada ang ilong niya.

In fairness talaga kay Regine, alam niya kung paano magpatawa ng mga tao, kahit pa pagtawanan niya ang kanyang sarili, kaya hindi mahirap maka-relate sa kanya ang mga tao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?