126
regine
May 10, 2018 @ 17:14
By

Regine, Christian, Julie manghaharana sa Dubai

May nakahandang special pasabog ang Dubai leg ng 3 Stars, 1 Heart dahil may chance ang mga manonood ng concert na maharana nina Christian Bautista, Julie Anne San Jose at Regine Velasquez! Sa segment nitong ‘Regine By Request,’ pitong masuwerteng Kapuso abroad ang maaaring manalo ng Regine VIP Fan Experience.

Tatawagin sila ng Songbird para samahan siya sa entablado at personal na haharanahin ng mga kantang ni-request nila. O, di ba bongga?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?