43

Oct 19, 2021 @ 14:36
By

Regine binirit sariling kanta sa videoke, 80 lang iskor

Nawindang si Regine Velasquez matapos kantahin ang sariling awit sa videoke at nakakuha lang ng iskor na 80.

Ibinahagi ni Regine ang maikling clip ng pagkanta niya ng ‘Forever’ ka-duet ang kapatid niyang si Jojo.

Sina Regine at Martin Nievera ang kumanta ng nasabing awitin.

Ngunit sa kabila ng bigay-todong performance at mastery ng awitin, mababang iskor lang ang binigay sa kanya ng videoke machine, bagay na ikinawindang ng Asia’s Songbird.

“Karaoke with my family. So kinanta ko yung SONG KO tapos ito lang eh!!!!!!ako nga kumanta nya!!!! Parang kailangan ko kausapin yung gumawa nito may daya eh!” saad ni Regine sa caption.

Laughtrip naman ang mga netizen sa comment section dahil may ilan pa raw sa kanila ang nakakakuha ng mas mataas na iskor sa videoke kapag kinakanta ang ‘Forever.’

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?