134

Oct 22, 2017 @ 15:55

Regine Alcasid nag-iisang reyna!

Pinatunayan ni Regine Velasquez-Alcasid na sa loob ng 30 taon niyang singing career ay wala pa rin siyang kupas pagdating sa concert.

Nanatiling Reyna sa concert-arena ang tinaguriang Songbird na makikita sa dami ng mga taong nanonood ng kanyang show sa MOA, ang “R3.0”.

Sumaludo kay Regine ang kanyang mga kaibigan sa industriya sa unang gabi ng palabas nito nong sabado na ang marami sa mga ito ay kumbinsido na wala pa ring puwedeng makapagpataob sa singer-actress-host pagdating sa kantahan at fans sa concert-genre.

Trending ang mga snapshots at video sa social media, particular na sa Instagram ang ilang mga makapanindig-balahibong kaganapan sa concert.

Gaya na lamang ng mga miniature lights na nagmistulang mga fireflies sa loob ng arena habang kumakanta si Regine suot ay pulang gown. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?