149

Dec 20, 2017 @ 13:40

Reggie Okosa binaklas bilang import ng Alab Pilipinas

Binaklas bilang import ng Tanduay Alab Pilipinas si Reggie Okosa matapos ang apat na salang nito sa koponan na may malamyang 1-3 record sa 2017-18 Asean Basketball League (ABL).

Sa Facebook account ni Okosa ipinahatid niya ang pasasalamat sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng Alab PH.

“Thank you for the opportunity. Okosa out? #freeagent,” sabi nito sa FB post.

Kinumpirma rin umano ni Alab team owner Charlie Dy na papalitan si Okosa at magdedesisyon pa lamang sila kung sino ang kukunin na kapalit nito, ayon sa Spin.ph.

Mag-isang binalikat ni Okosa ang Alab Pilipinas sa huling laban nila na pinagwagian sa Formosa Dreamers ng Taiwan matapos mabangko ang karelyebo nitong si Ivan Johnson dahil sa iniindang sakit sa likod.

Tumapos ito na may 19 points, 19 rebounds, at dalawang blocks sa 78-61 win ng Alab sa Dreamers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?