42

By

Reggie Johnson sinisipat ng Rain or Shine

Posibleng pabalikin ng Rain or Shine Elasto Painters ang big man na si Reggie Johnson para sa 2019 PBA Commissioner’s Cup.

Ayon kay ROS mentor Caloy Garcia, nananatiling top pick ng koponan si Johnson, na dati na nilang naging import noong nakaraang season.

Naging matagumpay si Johnson sa Elasto Painters sa simula, sinungkit ang top spot bago natapilok kontra Barangay Ginebra sa semifinals.

Hindi pa naman sigurado ang comeback stint ni Johnson sa koponan, tinitingnan pa ng management ang kondisyon nito lalo’t matagal na hindi nakapaglaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?