83

‘Regalo’ ng fan, binigay sa iba ni Maraño

Sharing is caring!

Pinatunayan ni volleybelle Aby Maraño ang kanyang busilak na kalooban.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Maraño ang kanyang naging karanasan sa Philippine Superliga matapos siyang bigyan ng papel ng isang lolong fan niya.

Pagbukas ng papel ay bumungad kay Maraño ang P500 na kasama ang detalye ng nagbigay nito sa kanya.

Ilang sandali ay nakakita ang manlalaro ng isang lolang nangangalakal at doon ibinigat ni Maraño ang pera.

View this post on Instagram

Best @philippinesuperliga Fan story: Bukod sa naka-adidas siya, napakaganda ng ngiti niya. Hindi ko napigilan lagpasan si nanay kaninang umaga. Kahapon kasi after ng game nagdali-dali akong sumakay sa kotse ko ng may matandang lalaking lumapit sa bintana. Binati ako at inabot itong papel, “Hija ito para sayo etc etc.” Sa pagmamadali umalis na kami ni Ara at hindi ko na naiintindihan ibang sinabi ni tatay. Sa papel may nakasulat na tatlong magkakaibang cellphone number ng tao, kumpleto niyang pangalan, kumpletong address at nakaipit na 500php. Tay, salamat sa suporta mo sakin. Pangalawang beses na kita nakita sa games ko. Yung binigay mo sakin na pera napunta na sa kamay ng iba. Na kay nanay na ☺️ sapat na pong alam ko na mahal niyo ako pero mas kailangan niya. Nanginginig akong inabot ang 500php kay nanay dahil sumasakit ang puso ko. ‘Di ko matiis nakikita siyang nagtutulak at namumulot ng basura 💔 Lalo na nung sinabi niya saking “Salamat anak ha, Merry Christmas na lang,” sabay bitaw ng ngiting umaabot sa tenga. 🎄 P.S. Kung sino man ang nakakakilala kay Tatay Morito H. Suicon ng Dasmariñas Cavite, pakiparating na lamang ito. SALAMAT ng marami, napasaya niya ako at mayroon kaming natulungan.

A post shared by Abigail Palmares Maraño (@abymarano) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }