39

Nov 7, 2017 @ 13:11
By

Refund sa pasahe sa LRT, MRT pinamamadali sa SC

Kinalampag ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang Korte Suprema para bilisan ang desisyon sa inihaing kaso ng Bayan Muna at commuters group noong 2015.

Kinuwestiyon ni Zarate ang ligal na basehan sa ipinatupad noong taas-singil sa pasahe ng MRT at LRT.

Ayon kay Zarate, ipinatupad ng dating DOTC ang fare hike sa lahat ng light rail systems noong Disyembre 2014 para maayos umano ang serbisyo ng MRT at LRT.

Pero sa halip aniya na gumanda ang serbisyo ay lalo pang dumalas ang aberya.

“But instead of improving the services, for instance the MRT service worsened with 3 to 4 daily glitches, with some even endangering the lives of passengers,” sabi ni Zarate.

Nanawagan ang kongresista sa Kataas-taasang Hukuman na resolbahin na ang kaso sa lalong madaling panahon partikular ang kanilang hiling na magkaroon ng refund sa pamamagitan ng pagbibigay ng diskuwento.

“We are calling the SC to resolve the said case the soonest, especially our prayer of returning the fare to its previous rates and for the accumulated funds from the fare hike to be returned to MRT and LRT commuters through discounted fare like what the SC did with the Meralco overcharging in 2013,” ayon sa kongresista.

Iginiit ng mambabatas na walang pangangailangan para magtaas ng singil sa MRT at LRT dahil sobra pa ang kinikita nito para sa gastos sa operasyon.

“MRT earned P2.2B ticket sales and only spent P1.8B in operational expense in 2014. LRT, meanwhile, earned P2.5B but only spent P1.03B for operation expense,” paliwanag ni Zarate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?