By

Refund ng Sanofi, ilaan sa mga nabakunahan ng Dengvaxia – solon

Sharing is caring!

Isinusulong sa Kamara ang isang resolusyon na naglalayong ilaan ang P1.16-billion na Sanofi refund para sa pagpapagamot at pagpapa-oospital ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia.

Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, sa ilalim ng House Joint Resolution No. 21, maaari nang gamitin ang nasabing pondo para masubaybayan ang kalusugan ng mahigit 870,000 mag-aaral.

“This is a special appropriations measure, since right now, without the express authorization of Congress, the Sanofi refund is idle,” sabi ni Pimentel.

Parehong nagpetisyon ang Department of Budget and Management (DBM) at ang Department of Health (DOH) sa Kongreso para ilaan ang nasabing pondo sa mga nabakunahan.

“We are thus merely allowing the DBM to release the money from Sanofi so that the DOH may spend it to look after the vaccinees,” paliwanag ni Pimentel.

Partikular na gagamitin ang P1.16 billion bilang pambayad kung merong mao-ospital sa mga bata kabilang ang checkup.

Kasama rin ang outpatient medical examinations, post mortem sa namatay na vaccinees dahil sa kumplikasyon sanhi ng bakuna; pamimigay ng medical kits sa pamilya ng nabakunahan; at pagkuha ng dagdag na mga nurse na susubaybay sa kondisyon ng vaccinees.

Una rito, sinabi ng DOH na magpapakalat ito ng 500 nurses sa

Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon at Central Visayas para bantayan ang kondisyon ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.

Umaasa si Pimentel na agad pagtitibayin ng Senado at Kamara ang resolusyon sa pagbabalik ng sesyon sa May 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?