By

Refs ng DLSU-Adamson semis, suspendido

Sharing is caring!

Suspendido ang tatlong referees na pumito sa kontrobersyal na 82-72 panalo ng defending champion De La Salle sa Adamson sa semifinals ng 80th UAAP basketball tournament noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Pormal na naghain ng protesta ang Adamson sa UAAP board, natanggap na ni league executive director and commissioner Rebo Saguisag ang liham ni Fr. Aldrin R. Suar.

Dismayado ang pamunuan ng Soaring Falcons sa mga tawag ng mga referees na sina Ian Borbe, Enan Alejo at Mollie de Luna.

“While we are still in the process of evaluating the whole game together with the statistics, the officials that worked your game were immediately suspended,” sagot ni Saguisag sa sulat ni Suar.

Ayon kay Suar unfair at biased ang tawag ng mga referees.

Sinabi rin ni Saguisag na dalawa sa tatlong refe­rees na sangkot ay inirekomendang i-ban sa nalalabi pang season.

Naging usapan din sa social media ang limang free throws ng Soaring Falcons sa buong laban kumpara sa 39 ng Green Archers, 27 ang pumasok.

“This is the worst (officiating),” hinaing ni ­Adamson coach Franz Pumaren, pagkatapos mapa­talsik ang Falcons ay binakbakan na ang ­aniya’y hindi fair na tawag ng game officials.

Hindi na bago sa mga kontrobersyal na tawag sina Borbe at De Luna. Dalawang taon na ang nakaraan, nasangkot din sila sa mainit na tawagan sa Finals ng FEU at UST.

Nasuspendi ng tatlong laro si Borbe sa NCAA noong 2014, matapos hamunin si Letran star Mark Cruz ng suntukan. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?