39

Jul 5, 2022 @ 0:01
By

Referee respituhin – Pingris

Nagretiro na bilang professional basketball player si Jean Marc Pingris, pero hindi naman niya tuluyang tinalikuran ang paboritong sport.

Hindi na siya mapapanood na maglaro dahil siya na ang magiging ama ng liga o bilang commissioner ng 2022 Pilipinas Super League (PSL) U21 na magsisimula sa Hulyo 10 sa Bren Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

Ibang trabaho ito kumpara sa kanyang pagiging player dahil, pero naging madali para sa 6-foot-4 at 40-anyos ang papel sa bagong liga.

“Kapag mahal mo kasi ang ginagawa mo hindi mo maiisip na mahirap. So ako kasi mahal ko ang basketball, so kahit na maging player ako or commissioner, sisikapin ko na mas lalo pang mapaganda ang mga ginagawa ko,” litanya niya Lunes.

‘Di lang pagmamahal sa basketbol ang nais na ipahatid ni Pingris para sa mga lalahok, kundi ang respeto sa kapwa manlalaro at lalo na sa mga game official o mga referee.

Mahalaga ayon sa kanya na pairalin ang respeto sa upang maging maayos ang mga laro.

“Ayoko kasi na hindi nirerespeto ang mga referee. So kahit sinuman, players o kaya coaches, or team owner, na maghamon ng suntukan o kaya murahin ang mga referee, ako mismo magbibigay ng malaking fine. Hindi natin kailangan na sigawan o hamunin o murahin ang mga referee. Kung may problema kayo sa mga game official, kami po ang dapat na kausapin ninyo and pag-usapan ng maayos. Para walang gulo,” giit ng Pinoy Sakuragi mula sa Pozzorubio, Pangasinan.

Bubuuin ng walong koponan sa Luzon at mga manlalarong may edad na 22-anyos pababa ang mga sasali sa liga kung saan ay pinayagang makapaglaro ang mga batang ipinanganak ng taong 2000.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?