77

By

Reenacted budget pinagsisimulan ng korapsyon – VP Leni

Inihirit ni Vice President Leni Robredo ang mabilis na pag-apruba sa Senado ng 2019 proposed national budget.

Sinabi nito na hindi nakakatulong sa mga Filipino ang paggamit ng reenacted budget at aniya ito ay maaari ring maabuso at magamit sa katiwalian.

“Iyong experience kasi natin saka iyong aral na napulot natin sa reenactment ng budget, pinagsisimulan ito ng grabeng korapsyon,” sabi ni Robredo kaya’t nais na niyang maipasa ang P3.757 trilyong panukalang pambansang pondo ngayong taon.

Sa ngayon, katulad ng 2018 budget ang ginagasta ng gobyerno hanggang sa unang linggo ng Pebrero.

Banggit pa nito, ito ang unang pagkakataon sa loob ng mahigit isang dekada na nabigo ang Kongreso na maipasa sa tamang panahon ang General Appropriations Act.

Nangako ang Senado na ipapasa na ang 2019 national budget sa pagtatapos ng Enero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?