69

Reenacted budget makasisira sa ekonomiya – Palasyo

Kinonsensiya ng Malacañang ang mga mambabatas na makokompromiso ang ekonomiya ng bansa kapag tuluyang hindi ipinasa ang 2019 proposed national budget.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na maraming oportunidad ang mawawala sa mga Filipino at sila ang direktang maaapektuhan sa pagmamatigas ng mga senador at kongresista.

“A reenacted budget as a result of a budget impasse would hurt our economy.

This would translate to lost opportunities for higher growth as our economic managers are estimating a loss of 1 to 2.3 percentage points in the full-year gross domestic product in the event that the 2019 budget will not be passed,” ani Panelo.

Isa aniya sa pangunahing maapektuhan sa reenacted budget ay ang Build Build Build projects at ang trabahong mawawala para sa mga Pinoy.

Sinabi ni Panelo na hindi rin maiwasang maapektuhan ang mga programang pangmahihirap, pagsusulong ng programang pangkalusugan at kaayusan at kapayapaan sa bansa.

“Our Build Build Build infrastructure projects which are in various stages of implementation would severely be affected. The ordinary Filipino would be the one greatly affected as there would be fewer openings of employment for him or her,” dagdag pa ni Panelo.

Binigyang-diin ng kalihim na batid ng mga mambabatas ang epekto ng paggamit ng reenacted budget kayat panghahawakan nila ang ipinahayag ng ilang miyembro ng bilateral committee na sisikapin nilang ipasa ang 2019 proposed budget sa susunod na linggo.

Nagawa na aniya ng Ehekutibo ang trabaho at hinihintay na lamang , pati ng sambayanan na gawin ng Kongreso ang kanilang trabaho para makumpleto ang proseso sa pagpasa sa pambansang budget.

” The Executive Branch has already done its part in the budgeting process, we eagerly await Congress to complete the process, so are the Filipino people,” wika pa ni Panelo.(aileen taliping)#

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?