20
pamamaril
By

Reelected kagawad, patay sa pamamaril sa Quezon

Sharing is caring!

Binaril at napatay ng armadong lalaki na sakay ng motorsiklo ang kapapanalo pa lang na barangay kagawad sa bayan ng Mulanay, sa lalawigan ng Quezon nitong Huwebes ng umaga.

Pinaputukan ng hindi pa batid na kalibre ng baril si Felix Moldon, re-elected council member sa Barangay Sta. Rosa, ng ‘di pa kilalang salarin habang naghihintay sa gilid ng kalsada sa Barangay Sto. Niño dakong alas-7:45 ng umaga.

Agad tumakas ang suspek matapos nito.

Dinala sa ospital si Moldon pero namatay habang itinatakbo sa ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?