17

Apr 5, 2018 @ 12:34
By

Redick binalikat ang Sixers vs Pistons para sa 12th straight win

Nagtala ng 25 points at anim na assists si JJ Redick para banatin pa sa 12 ang dikit na panalo ng Philadelphia 76ers sa pagtalo sa Detroit Pistons, 115-108.

Apat na laro na lang ang nalalabi sa Sixers at katabla ang Cleveland Cavaliers sa ikatlong puwesto sa Eastern Conference.

Iho-host ng Philadelphia ang Cleveland sa Biyernes.

Naputol naman ang limang dikit na panalo ng Pistons at laglag na sa playoff.

Kapwa kulang sa maaasahang tao ang dalawang koponan. Wala si Sixers center Joel Embiid dahil sa injury habang si power forward Dario Saric ay nagrerekober pa sa impeksiyon sa siko.

Absent naman sa ikatlong pagkakataon para sa Pistons si forward Blake Griffin dahil sa bone bruise sa kanang bukung-bukong.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?