28

Feb 22, 2020 @ 22:54
By

Reddick may banta sa buhay

Nakakatanggap daw ng mga death threat si Houston Astros outfielder Josh Reddick.

Pati ang kanyang asawa at mga anak, dinadamay sa pagbabanta sa social media.

Marami pa rin ang galit sa Astros matapos mabuko ang pandaraya ng mga ito sa kampanya noong 2017 na nagtapos sa panalo nila sa World Series.

Ginamit raw ng Astros ang centerfield cameras para nakawin ang senyasan ng pitcher at catcher ng kalabang team. Kapag nakuha na ay papaluin ang trash can sa kanilang corner para ipaalam sa batter kung ball o strike ang parating na pitch.

“I’m not the only one,” ani Reddick, itinuro din ang ibang teammates pero hindi pinangalanan.

Hiniling niya sa Major League Baseball na protektahan ang Astros players at pamilya ng mga ito.

Mahirap daw isama sa road games ang mga asawa’t anak, dahil malalaman at malalaman kung saang hotel sila tutuloy.

Sa kaagahan ng buwan, nag-post daw si Reddick ng video ng isa sa kanyang five-month-old twins. May isang agad daw nag-comment: “I hope your kid gets cancer.”

May isa pa: “I will kill your entire family.”

Pati si Oakland Athletics pitcher Mike Fiers, nakakatanggap rin daw ng death threats. Si Fiers ang whistle-blower sa sign-stealing scheme ng Astros.

Bago lumabas ang interview ni Sussan Slusser ng San Francisco Chronicle kay Fiers, nagpahayag si MLB commissioner Rob Manfred na bibigyan ng protection si Fiers at pamilya nito kapag nasa road games ang A’s, sa Houston o sa iba pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?