40

Jun 21, 2020 @ 17:14

Reddick binuko ang sikreto ng Lakers

Sikretong malupit ng Los Angeles Lakers ang pinasadahan ni JJ Redick ng New Orleans Pelicans sa podcast ni Bill Simmons.

Habang kasagsagan ng lockdown, nagpa-practice aniya ang Lakers, kasama si LeBron James, sa isang facility na kamukhang-kamukha ng Staples Center court.

Inamin ni Redick na narinig niya ang tsismis.

Habang naka-lockdown dahil sa coronavirus, sarado ang lahat ng gyms at practice facilities. Bawal mag-workout nang sabay-sabay.

Pero may sinabi rin sa Twitter noon ang Stadium, base sa report ni Shams Charania ng The Athletic: “LeBron James has held safe, on-court workouts with some Lakers teammates at a secure location.”

Base sa mga report, may isang full-sized replica ng Staples Center court na ipinagawa si Los Angeles Shoe executive Steven Jackson sa kanyang bahay sa Bel Air area. Isa sa may-ari ng LA Gear brand si Jackson.

Hindi sikreto sa NBA circles ang court.

Habang suspendido ang NBA, may ilang teams rin na pumapayag sa secret workouts ng players na sama-sama. Bawal ang gathering, kaya sikreto.

Bago simulan ang restart ng NBA sa July 30, bibigyan muna ng mula dalawang linggo ang players para mag-workout. (Vladi Eduarte)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?