58

Mar 8, 2020 @ 15:05
By

Red wine umapaw sa gripo ng 20 bahay

Red wine, imbes na tubig, ang tumulo sa mga gripo at shower head sa isang bayan sa Italy.

Nasiraan kasi ang Cantina Settecani, isang pagawaan ng alak, sa bayan ng Castelvetro sa Modena Province, Italy. Ayon sa kompanya, nagloko ang isang valve sa washing circuit ng bottling line at dahil sa pressure, dumaloy ang alak sa water lines ng naturang bayan.

Tuloy, sumirit sa mga water pipe ang nasa 1,000 litro ng local wine na Lambrusco Grasparossa, na ilalagay na sana sa mga bote.

Tumagal ito ng halos tatlong oras noong Miyerkoles, Marso 4, at naapektuhan ang nasa 20 bahay, ayon kay Castelvetro deputy mayor Giorgia Mezzacqui.

Wala naman anilang health risk mula sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?