100

Dec 25, 2019 @ 21:38
By

Red Velvet member Wendy naaksidente sa rehearsal

Inanunsyo ng SM Entertainment nitong December 25 na hindi na makakapag-perform ang South Korean girl group na Red Velvet sa “2019 SBS Gayo Daejeon”.

Ayon sa kumpanya, nagtamo ng injury ang isa sa miyembro ng Red Velvet na si Wendy sa rehearsal para sa “2019 SBS Gayo Daejeon”.

Nahulog daw ito sa platform habang nag-eensayo para sa kanyang solo performance.

Nagtamo ito ng bali sa mukha, balakang at sa kanyang pulso.

Humihingi naman ng pang-unawa sa mga fan ang SM Entertainment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?