20

May 11, 2021 @ 15:12
By

Red tide pumeste sa Puerto Princesa, 9 pang lugar

Nagbabala ang Bureau of Aquatic Resources (BFAR) Region 9 sa na-monitor na red tide sa 10 lugar sa bansa.

Ayon sa shellfish bulletin ng BFAR, kasama sa mga apektado ng red tide ay ang mga lugar ng Puerto Princesa Bay sa Palawan; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; Calubian sa Leyte; Daram Island at Zumarraga, Cambatutay, at Villareal Bays sa Western Samar; Leyte, Carigara, Ormoc Bay at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; Biliran Islands; Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte; Balite Bay sa Davao Oriental; at Bislig Bay, Lianga Bay, at Surigao del Sur sa Mindanao.

Dahil dito’y pinag-iingat ang mga residente malapit sa lugar na huwag kumain ng kahit anong uri ng shellfish o alamang mula sa mga nasabing area.

Maaari namang kainin ang mga isda, hipon, alimango o pusit, basta’t malinis at matanggal nang mabuti ang mga hasang at laman loob.

Inabisuhan din ang publiko na huwag munang manghuli o magbenta ng mga shellfish mula sa nabanggit na lugar habang hindi pa bumababa ang toxicity level.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?