22

Jul 23, 2021 @ 14:04
By

Red tide laganap sa 10 lugar

10 lugar ang nakitaan ng paralytic shellfish poison o red tide, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa nilabas na bulletin nitong Huwebes, kasama ang mga lugar ng Milagros sa Masbate; Sorsogon Bay sa Sorsogon; coastal water ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Matarinao Bay sa Eastern Samar; at Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur sa nagpositibo sa red tide.

Bukod pa dito, pinag-iingat din ang mga residente ng Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte; Murcielagos Bay (Sapang Dalaga at Baliangao) sa Misamis Occidental; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Dahil sa red tide, hindi ligtas kainin ang mga shellfish, maging ang alamang na nagmumula sa katubigan ng mga nasabing lugar.

“Fish, squids, shrimps and crabs are safe for human consumption provided that they are fresh and washed thoroughly, and internal organs such as gills and intestines are removed before cooking,” saad pa ng BFAR.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?