12

Red tide itinaas sa Surigao, Bohol, Palawan, Samar

Sharing is caring!

Nakitaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources nitong Biyernes ng red tide toxin sa bahagi ng Surigao del Sur, Bohol, Palawan at Eastern Samar.

Ang mga apektadong lugar ay:

Hinatuan Bay, Surigao del Sur

Lianga Bay, Surigao del Sur

coastal waters ng Dauis, Bohol

coastal waters ng Tagbilaran City, Bohol

Puerto Princesa Bay, Palawan

Honda Bay, Palawan at

Matarinao Bay, Eastern Samar.

Pinayuhan ni BFAR director at Agriculture Undersecretary for Fisheries Eduardo Gongona ang mga residente sa nasabing mga lugar na huwag munang kumain ng shellfish at alamang dahil hindi ito ligtas kainin.

Maari naman kainin ang isda, pusit, hipon at alimango sa naturang lugar subalit kailangan lang itong lutuing mabuti. Kailangan din tanggalin ang kanilang internal organ bago lutuin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?